ling nam

Tayong mga pinoy, kanin talaga ang staple food, di ba? Kaya, umaga, tanghali, gabi may kanin sa hapag-kainan. Paminsan, naiimpluwensiyahan din naman lalo na kung mahilig talaga sa iba’t ibang uri ng pagkain. Hindi na iba sa inyo ang pagkahilig ko sa pagkaing Hapon, kung pwede lang sana na doon ako tumira sa Japan, naku matagal ko ng ginawa! Pero dahil sa dugong intsik na nananalaytay sa aking asawa at mga anak, hindi din nawawala ang hilig nila sa pagkaing maanghang, at halo halong gulay bukod sa nilahukang kanin…sinangag man o hindi.

Kaya naman isang araw na namamasyal kami sa Greenhills at inabot ng gutom dahil alas- 2 na ay eto at napadpad kami sa Ling Nam, pagkaing patok sa buong pamilya ika nga, kanin pa lang ulam na hehe. Yang Chow kasi! Sulit dahil pananghalian at meryenda in one.

yang chow kung pao chop ling nam greenhills

Ito ang plato ko. Yang chow rice, Kung pao chicken at Chopseuy!

kungpaochix

chopsuey

siop

Kung Meryenda nama, sigurado ako siopao ang isa sa top ng listahan! Masarap na at talagang nakakabusog pa di ba? Naku, kung marunong lang ako gumawa nito aaraw-arawin ko!

siopap

Ano pang hinihintay nyo? Halika na at makitakam tayo sa Litratong Pinoy!