Ang tema ngayon ay tsokolate!/Today’s theme is chocolate!

Tsokolateng brownies, kahit anong hanap ko sa bokabularyo natin ay hindi ko talaga alam kung may katumbas ito, marahil ay gaya ng ibang ingles na salita ay nanatiling ganoon ang baybay.

Paborito ng aking mga anak ang maghurno (ito hinanap ko talaga ang pagsalin sa tagalog, pero parang mali yata). Gusto nila ang proseso ng paghahalo ng mga sangkap, yung panganay kong lalaki itinatama pa ako kapag mali ang pagbuhos ko, minsang ihinulog ko ang itlog bago ang margarina.

Marahil ay natutuwa silang makita na mula sa pulbos na tsokolate ay nag-iiba ang komposisyon dahil sa ibang sangkap. Gusto nilang hinahalo ito hanggang maging malabnaw.

Mataimtim nilang binabantayan ang brownies sa hurno, sinisilip at inaamoy pa! Pagkatapos ng 25 minuto, heto na ang brownies, Hali na! Kuha na habang mainit init pa!

—-

Here’s the recipe:

Ingredients:

  • 20g cocoa powder
  • 200g butter
  • 3 eggs
  • 200g caster sugar (regular sugar works too)
  • 2 tbsp black coffee(optional)
  • 200g plain flour, sifted
  • 1/4 tsp salt

Preheat oven to 180°C. Line a small baking pan with foil or greaseproof paper.

Mix chocolate and butter.

In a bowl, beat eggs and sugar until pale. Mix in coffee (if you opt to put some) and then the chocolate mixture. Fold in sifted flour and salt.

Pour the batter into the pan and bake for 20 to 25 minutes. It should be crusty on top, but still a bit gooey inside. Let cool and serve as is, with coffee or ice cream.